HomeCorporateEyecare ProductsNews & MediaEventsOur EyesCustomerJoin usHappy Users
  Philippine Intl Franchise Expo 2007 - Tagalog  
 

Ang International Award Winning na ENERGIE EyeRelax ay matatagpuan na ngayon sa Pilipinas

 
Kabuuan:

 

Ang International Award Winning Energie EyeRelax ay ilulunsad na sa Pilipinas sa 15th Philippine International Franchise Conference & Expo (PIFCE) mula 6-8 ng Hulyo 2007.

 

6 Hulyo 2007, Philippines – Inilunsad ngayon ng Energie Eyecare ang Energie EyeRelax, bilang isang mabisang pagsugpo sa pagkalat ng myopia. Ang EyeRelax ay pinarangalan sa buong mundo bilang isang naiibang pagsugpo sa pagkalat ng myopia at presbyopia o mahirap na pagbabasa dahil sa pagtanda. Ang mga pasyente ay kailangang tumingin sa scope ng EyeRelax ng di bababa sa 5 minuto bawat gamutan. Ang mga gagamit nito ay makararanas ng unti-unting pagbabago sa kanilang paningin kung ito ay masigasig na gagamitin ng tuloy tuloy mula 2 hanggang 3 buwan.

 

“Ang Energie EyeRelax ay kilalang kilala sa buong Singapore at marami sa  parokyano nito ay mga Pilipino na gumamit nito dahil sa mungkahi ng kanilang mga kaibigan”, ayon kay G. Goh Kia Hong, Director ng Energie Eyecare, sa paglulungsad ng panggamot ng aparatong ito. “Aming inaasahang magiging mataas ang pangagailangan sa aming produkto sa lahat ng eyecare at medical channels.

 

Nanalo ang Energie EyeRelax ng Health & Beauty Awards 2007 sa Health Equipment Category sa dalawang sunod na taon. Ito ay sa pamumuno ng Guardian, pinakamalaking kuponan ng botika sa South East Asia upang mabigyang pugay ang mga nangunguna o lider sa ganitong kategorya. Ang parangal na ito ay dinaluhan ng mga kilalang tao sa industriya ng Pangkalusugan at Pagpapaganda (Health & Beauty), kabilang ang mga kasapi mula sa Advanced Medical Optics, L’Oreal at Gillette.

 

Dahil sa napatunayang kagalingan, ang EyeRelax ay nakatawag pansin lalo na sa mga namamahayag dahilan upang ito ay mapasama sa malawakan at nangungunang pagbabalita, sa mga pahayagan at babasahin. Ang Energie Eyecare ay nakapaghandog na din ng maraming EyeRelax workshops at seminar patungkol sa mabisang pangagalaga sa ating mga mata sa iba’t-ibang lugar kabilang ang Health Promotion Board Auditorium, Civil Service College, The Chevron at ang National University of Singapore Society.

 

Ang Energie EyeCare ay nakikipagtulungan kasama ng mga paaralan at tanggapan para sa kanilang programa sa pagsugpo ng myopia ng kanilang mga mag-aaral at manggagawa bilang isang kawanggawa. Sa ngayon, mahigit sa 8,000 kabataan ang nabiyayaan mula sa kanilang Schools Myopia Prevention Programme.

 

Tungkol sa Energie EyeRelax

 
Ayon sa pagsasaliksik mula sa Europa tungkol sa biospectrum at visual fields, ito ay tumutulong upang maging mabisa ang paggamit ng ating mga mata sa pamamagitan ng pagsasanay ng accommodation system ng ating paningin, pagbuti ng retinal activity at maayos na paggana ng mata at visual cerebral cortex. Ang EyeRelax ay nanalo na ng maraming pangdaigdigang parangal, napanalunan pareho ang pinakamataas na antas na Gold Medal at Creative Award at International Invention and Innovation Exposition.

 

Gaano Ka-epektibo ang EyeRelax

 

Ang EyeRelax ay magagamit ng buong pamilya, mapa-shortsighted man o ang panlalabo ng paningin dahil sa pagtanda.

 

Mabisa ito sa mga shortsighted na may degree na 300 pababa. Kung ito ay gagamitin agad-agad, lalo ng mga kabataang may mabababang degree, ito ay magiging mabisa sa pagsasaayos ng lumalabong paningin.

 

Para naman sa mga may degree ng 300 hanggang 600, makatutulong ang EyeRelax upang hindi na lalong lumabo ang paningin.

 

Kung ang gagamit naman ay may degree ng mahigit 600, gamitin ang EyeRelax upang maiwasan ang pagkabulag at iba pang sakit sa mata.

 

Paano Gamitin ang EyeRelax

 

Ang EyeRelax ay clinically programmed upang maging epektibo sa maikling oras nang paggamit.

 

Gamitin lamang ng dalawang beses isang araw, 5 minuto bawat mata at pagdating ng 60 – 90 days, ay muli na naming manunumbalik ang linaw ng inyong mata.

 

Pagkatapos ng 60 – 90 days, gamitin na lamang ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo upang mapanatiling malinaw ang mga mata.

 

Magiging malusog at mapapangalagaan an gating paningin kung ang EyeRelax ay gagamiti nang madalas, kasama ng tamang pag-aalaga sa ating mga mata.

 

EyeRelax Amblyopia

 

Kung ikaw naman ay mayroong amblyopia o lazy eye, magagamit din ang EyeRelax Amblyopia version upang maisaayos ang iyong paningin. Ine-excite nito ang neuro-visual system ng ating mga mata. Dati-rati ay pagtakip ng lazy eye ang panlunas. Sa mga pagsasaliksik napatunayan na mas mabisa na panlunas ang EyeRelax. Napapadali nito ang pag-galing ng lazy eye.

 

Ang EyeRelax ay mabibili sa mga pangunahing opthalmologits, optometrists at drug store sa buong Singapore. Ito rin ay mabibili sa National University of Malaysia, UKS’s Optometry Clinic.

 

Tungkol sa Energie EyeCare Group

 

Ang Energie EyeCare Group ang pangunahing eyecare management group sa Asya. Matatagpuan rin sila sa Singapore, Malaysia, Hong Kong at China.

 

Sa kasalukuyan, naghahanap sila ng partners na rerepresenta sa kanilang mga produkto sa Indonesia. Ang hinahanap nila ay yaong may konekshon sa medical/eyecare industry. Binibigyang konsiderashon din ang mga Entrepreneurs na gustong magpalago ng kanilang business. Bibigyan naman ng kaukulang suporta ang mga mapipiling distributor.

 

Ang booth ng Energie EyeCare ay matatagpuan sa:

 

15th Philippine International Franchise Conference & Expo (PIFCE)

World Trade Center Metro Manila

6 – 8 July 2007                

10.00am – 7.00pm

Booth No.:  115